Tanod patay matapos hampasin ng bato ng pamangkin sa Capiz | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tanod patay matapos hampasin ng bato ng pamangkin sa Capiz

ABS-CBN News
Published Apr 29, 2021 12:54 PM PHT

CAPIZ - Patay ang isang barangay tanod matapos hampasin ng bato sa ulo ng sariling pamangkin sa Barangay Malapad Cogon, sa bayan ng Sigma sa probinsiyang ito, hapon ng Miyerkoles.

Edad 53 ang biktima at residente ng lugar, ayon sa Sigma PNP.

Nakilala ang biktima na si Digno Olithao, 53 anyos at residente ng lugar.

Sa imbestigasyon ng Sigma PNP, nagkaroon ng pagtatalo na nauwi sa suntukan ang magtiyo habang naglalakad kasama ang isang kaibigan

ADVERTISEMENT
Sa gitna ng pagtatalo ay nakakuha ng bato ang suspek at hinampas ito sa ulo ng biktima. Sa lakas ng pagkakahampas ay bumagsak ang biktima at nawalan ng malay.

Kaagad na dinala sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival ng doktor dahil sa malubhang sugat sa ulo na natamo ng biktima.

Napag-alaman din ng awtoridad na nakainom ng alak ang magtiyo ng mangyari ang insidente. Dating alitan ang isang tinitignan na motibo sa krimen ng mga awtoridad.

Kaagad naman na nahuli ng mga rumespondeng awtoridad ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong homicide.

-- Ulat ni Rolen Escaniel
KAUGNAY NA VIDEO:
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Sigma
Capiz
Barangay Malapad Cogon
alitan
krimen
homicide
crime
regional news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT