PatrolPH

Patay na sanggol natagpuan sa tambakan ng basura sa Baguio

ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2021 04:43 PM

Patay na sanggol natagpuan sa tambakan ng basura sa Baguio 1
Sa tambakan ng basurang ito sa Loakan Proper sa Baguio City iniwan ang isang asul na bag na naglalaman ng patay na sanggol. Larawan mula sa Baguio City Police Office Station 4


Patay na nang matagpuan ang isang sanggol na inabandona sa tambakan ng basura sa Loakan Proper sa Baguio City, Huwebes ng umaga.

Tinatayang nasa 8 hanggang 9 na buwan ang sanggol na nakalagay sa isang asul na bag.

Isang mangangalakal sa lugar ang nakakita sa sanggol na nasa loob ng isang kahon at nakabalot ng puting kumot.

Agad na ini-report sa pulisya ang insidente. Sinubukan pang dalhin sa isang ospital ang sanggol para sa assessment at medical report pero hindi ito tinanggap.
 
Pinabasbasan na lang sa simbahan ang sanggol bago inilibing.
 
Patuloy naman ang imbestigasyon ng awtoridad para mabatid kung sino ang nag-iwan sa sanggol. 

- Ulat ni Micaella Costales Ilao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.