200 bahay nasunog sa Davao City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

200 bahay nasunog sa Davao City

200 bahay nasunog sa Davao City

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 29, 2021 12:41 PM PHT

Clipboard

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na tumama sa Barangay Ilang, Davao City noong Abril 28, 2021.

DAVAO CITY — Tinatayang nasa 200 bahay ang natupok noong gabi ng Miyerkoles sa Barangay Ilang sa lungsod na ito, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Bandang alas-9 ng gabi nang mag-umpisa ang sunog na tumama sa residential area sa Purok 11, malapit sa dagat.

Umabot pa ito sa ikatlong alarma bago tuluyang nakontrol alas-10 ng gabi. Bandang alas-2:26 ng madaling araw ng Huwebes nagdeklara ng fire out ang mga awtoridad.

Watch more in iWantv or TFC.tv
Ilang bahay ang natupok sa Barangay Ilang, Davao City nitong Miyerkoles.

Wala namang naiulat na namatay sa sunog.

ADVERTISEMENT

Inilikas muna ang mga residente sa barangay gym.

Tinatayang aabot sa P2 milyon ang halaga ng pinsala sa ari-arian dahil sa insidente.

Patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog.

Sumiklab din ang sunog sa parehong lugar noong Abril 29, 2020, kung saan daan-daang bahay din ang natupok.

— Ulat ni Hernel Tocmo

FROM THE ARCHIVES:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.