Higit P8M halaga ng shabu nasamsam sa BARMM | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit P8M halaga ng shabu nasamsam sa BARMM

Higit P8M halaga ng shabu nasamsam sa BARMM

ABS-CBN News

Clipboard

Nasa 14 pakete ng hinihinalang shabu ang narekober sa tatlong katao sa Tawi-Tawi. Larawan mula sa Philippine Drug Enforcement Agency BARMM

COTABATO CITY - Nasa. P8.1 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska mula sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency BARMM sa Maguindanao at Tawi-Tawi nitong Miyerkoles.

Nauna ang operasyon sa Barangay Pag-Asa, Bongao, Tawi-Tawi Miyerkoles ng umaga kung saan nahuli ang isang mag-asawa at isa pang lalaki at nakumpiska sa kanila ang 14 pakete ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang malaking bag.

Tinatayang nasa P4,760,000 ang halaga ng drogang nakumpiska sa kanila.

Sa ikinasang operasyon naman ng awtoridad sa Midsayap, Datu Piang, Maguindanao nahuli ang tatlong lalaki matapos makunan ng 10 sachet ng shabu.

Nasa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa kalahating kilo ang bigat ang nakuha mula sa kanila.

ADVERTISEMENT

Nasa kustodiya na ngayon ng PDEA ang mga suspek na haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

- Ulat nina Leizle Lacastesantos at Chrislen Bulosan

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.