Pinoy inilarawan ang kalunos-lunos na sitwasyon sa India dahil sa COVID-19 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pinoy inilarawan ang kalunos-lunos na sitwasyon sa India dahil sa COVID-19

ABS-CBN News
Published Apr 28, 2021 07:05 PM PHT
|
Updated Apr 29, 2021 06:33 PM PHT

MAYNILA — Lumagpas na sa 200,000 ang kabuuang bilang ng namamatay sa India dahil sa COVID-19, sa gitna ng tumitinding krisis sa naturang bansa dahil sa pagkalat ng virus.

Kasabay nito ay nakapagtala rin ang India ng bagong record high sa daily cases matapos magpositibo sa sakit nitong Miyerkoles ang 360,960 tao doon.

Mula nang magsimula ang pandemya, halos 18 milyon na ang nagpositibo sa virus sa India.

Malubha kung ilarawan ng isang Pinoy sa India ang sitwasyon doon.
Malubha kung ilarawan ng isang Pinoy sa India ang sitwasyon doon.
ADVERTISEMENT
Kuwento ni Victoria Singh na taga-New Delhi, ubos na ang mga kama at oxygen tank sa mga ospital.

Sa dami ng namamatay kada araw, patong-patong na ang mga labi na nakapila sa mga crematorium.

"Sometimes people when they die, they don't have place to cremate, so they just put on the road and they just threw their tradition and they pray, they cut the trees, they just put that one and [set them on fire]. You know it's very worst," aniya.

Malapit na kaibigan ni Singh ang isa sa 2 Pinoy na namatay sa COVID doon.

Nakausap pa niya ito noong magpositibo noong Abril 23, pero tatlong araw lang ang nakalipas, namatay na ito.

"Tumawag sya sa akin, ang sabi nya 2 to 3 days may lagnat siya... Because may issue din po siya ng high blood kaya di ko rin po alam anong nangyari last moment kasi lockdown din po sa amin, wala po kaming magawa," ani Singh.

Ayon kay Philippine Ambassador to India Ramon Bagatsing, Jr., hindi pa maiuuwi sa Pilipinas ang mga labi ng 2 Pinoy. Naka-lockdown kasi ang India dahil sa surge at mananatili muna ang abo sa punerarya habang hindi pa nakukuha ng kaanak o employer.

Nakikipag-ugnayan ang embahada sa kaanak ng mga nasawi.

Naka-isolate naman ang ibang Pinoy na nagpositibo sa sakit.

"Malaking bagay ang Filipino community dito. Sila ang nagaasikaso and we are in communication also with the relatives. Ang primary na nag-aasikaso d'yan ay ang employer at ang mga kasama natin ditong Filipino community," sabi ni Bagatsing.

Abiso ng Department of Health, hindi rin maaaring makapasok ng Pilipinas sa susunod na 2 linggo ang mga mula India.

Nauna nang inanunsyo ng Malacañang na lahat ng biyahero at may travel history sa India sa nakalipas na 14 na araw ay hindi papapasukin sa Pilipinas mula Huwebes hanggang Mayo 14.

RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
coronavirus
OFW
overseas Filipino workers
COVID-19
India
travel ban
pandemic
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT