2 OFW sa India nasawi sa COVID-19; travel ban ipinatupad ng Pilipinas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 OFW sa India nasawi sa COVID-19; travel ban ipinatupad ng Pilipinas

ABS-CBN News
Published Apr 27, 2021 08:57 PM PHT
|
Updated Apr 28, 2021 02:02 PM PHT

MAYNILA — Dalawang overseas Filipino workers (OFW) na ang namatay sa India dahil sa COVID-19 sa gitna ng dumaraming kaso ng sakit sa naturang bansa.

"Napakabilis. April 23 nang nabalitaan, April 26 wala na. Parang traydor talaga itong virus na ito. Ang buong India ay naghihirap," ayon kay Philippine Ambassador to India Ramon Bagatsing.

Dagdag ni Bagatsing, hindi bababa sa 20 mga Pinoy doon ang tinamaan ngayon ng COVID-19.

"Lahat sila ay confined, isolated. We communicate through social media and cellphone, and they just tell us what they need, and then we find a way to bring it to their doorsteps."

May 2,000 Pilipino sa India, karamihan, mga housewife.

Wala pang 70 ang mga OFW, na karamihan ay manager o seafarer.

Sarado hanggang Mayo 17 ang Philippine Embassy sa India.

Punuan na ngayon ang mga crematorium sa bansa dahil sa dami ng namamatay sa COVID-19.

Umabot na sa halos 200,000 ang kabuuang death toll sa India matapos iulat ngayong Martes ang higit 2,700 pagkamatay sa COVID-19.

Nangako ng tulong ang World Health Organization.

Nitong Martes ng gabi, inanunsiyo na rin ng Palasyo na hindi papayagang pumasok sa Pilipinas ang mga biyaherong galing o may travel history sa India sa nakalipas na 14 araw.

Tatagal ang travel ban hanggang Mayo 14.

—Ulat ni Willard Cheng, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV PATROL TOP
coronavirus
OFW
overseas Filipino workers
COVID-19
India
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT