Essential workers pinayuhang huwag magbabad sa ilalim ng araw ngayong tag-init | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Essential workers pinayuhang huwag magbabad sa ilalim ng araw ngayong tag-init

ABS-CBN News
Published Apr 28, 2021 07:25 PM PHT

Pinayuhan ng isang safety expert ang mga frontliner at essential workers na nagtatrabaho sa labas na huwag magbabad sa ilalim ng araw, lalo kapag tanghali o mataas ang heat index.

Ayon kay Ted Esguerra, mainam na sumilong muna kapag sobra ang init.

Pinaalalahanan din niya ang mga frontliner na tiyaking hydrated sila o may sapat na tubig sa katawan, at bawas-bawasan ang pag-inom ng mainit na kape.

Inaasahan kasi ngayong tag-init ang pagtaas ng heat index o iyong sukat ng init na nararamdaman ng tao ayon sa kung gaano kabilis o kabagal ang pagtuyo ng pawis, dahil sa alinsangan ng panahon.

May color coded na babala ang PAGASA sa heat index.

Green o caution kapag 27 hanggang 32 degrees Celsius, kung saan puwedeng maging pata-pata ang katawan sa pagod kung bumabad sa init.

Yellow o extreme caution naman kapag nasa 32 hanggang 41 degrees Celsius, kung saan puwedeng makaramdam ng heat cramps o heat exhaustion kapag babad sa init.

Orange o danger kapag nasa 41 hanggang 54 degrees Celsius, kung saan mas posible ang heat cramps at heat exhaustion, at posible ang heat stroke kung tuloy-tuloy ang aktibidad sa init.

Red o extreme danger naman ang mas mataas sa 54 degrees Celsius, kung saan asahan na ang heat stroke.
Red o extreme danger naman ang mas mataas sa 54 degrees Celsius, kung saan asahan na ang heat stroke.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Esguerra, nangyayari ang heat stroke kapag napabayaan ang heat exhaustion o pagkahilo at sobrang pagpapawis kapag babad sa init.

Heat stroke ang nangyayari kapag wala nang malay at pawis, paliwanag niya.

Maayos na pag-ikot ng hangin
Samantala, ipinayo naman ng neurosurgeon na si Dr. Ronnie Baticulon sa mga nasa opisina o bahay na tiyaking maayos ang airflow o pag-ikot ng hangin.

Kasunod ito ng pag-aaral kamakailan na nagbabanggit ng ebidensiyang makakapagtibay na puwede ang airborne transmission ang SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19.

Ani Baticulon, laging buksan ang mga pinto at bintana, at hayaang dumaloy ang hangin sa mga kuwarto, opisina, kainan at sasakyan.

Hangga't maaari, huwag gumamit ng aircon nang walang HEPA filter dahil paiikutin lang ng airocn ang hanging maaaring may virus, sabi niya.

Mas mainam din umanong bentilador ang gamitin habang bukas ang bintana.

Mainam ding magsuot ng mask na mataas ang kalidad at tiyaking nakalapat ito nang maayos sa mukha.

Huwag rin daw alisin ang maskara kapag nasa loob, lalo't kasama ang ibang tao.

Iwasan din muna ang pagkukumpol-kumpol at pakikihalubilo sa ibang tao, lalo kapag kulob ang lugar, anang doktor.

-- Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News
RELATED VIDEO:
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
safety tips
tag-init
heat index
heat
heat stroke
heat exhaustion
essential workers
frontliners
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT