PatrolPH

11 biktima ng human trafficking nasagip sa Tarlac City

ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2021 04:27 PM

11 biktima ng human trafficking nasagip sa Tarlac City 1
Sasailalim sa counselling ang mga nasagip na biktima ng prostitusyon. Daraan naman ang 3 umanong bugaw sa booking procedure at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanila. Larawan mula sa Police Regional Office 3

Umabot sa 11 katao na biktima ng human trafficking ang nasagip ng awtoridad mula sa isang hotel sa Barangay San Isidro sa Tarlac City nitong Martes. 

Arestado naman ang 3 menor de edad na itinuturong bugaw ng mga babae sa prostitusyon.

Sa inisyal na imbestigasyon, nire-recruit umano ng mga menor de edad ang mga babae para kumita kapalit ng pakikipagtalik sa mga nakukuhang customer.

Dinala na ang mga na-rescue sa City Social Welfare Department para sumailalim sa counselling. Sasailalim naman sa booking procedure at paghahanda ng kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act ang 3 menor de edad.

- Ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.