Lumobong bill sa tubig dahil sa tagas, inireklamo sa Maynilad | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lumobong bill sa tubig dahil sa tagas, inireklamo sa Maynilad

Lumobong bill sa tubig dahil sa tagas, inireklamo sa Maynilad

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 28, 2018 07:10 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Idinulog sa "Tapat Na Po" ang isang reklamo ng konsumer ng Maynilad matapos lumobo ang kaniyang bill sa tubig.

Kuwento ni Rosie Esplana, P500 lamang ang kaniyang karaniwang bill sa Maynilad pero simula Enero 2018 ay napansin niyang tumataas ito.

Nang nakalipas na buwan, pumalo na ito sa P2,000 kaya't minabuti niyang magreklamo.

"Magbabayad ako lagi more than the consumption na alam ko...Di siya maganda sa pakiramdam, unfair," ani Esplana.

ADVERTISEMENT

Inilapit ng Tapat Na Po sa Maynilad ang problema at agad naman silang pumunta sa inuupahang bahay ng complainant.

Nadiskubre ng Maynilad na may tagas sa koneksiyon ni Esplana ngunit nasa loob ito ng gate o garahe.

Ang sistema pala, limitado lang ang parte ng koneksiyon na sasagutin ng Maynilad kapag may tagas.

"Aware 'yung may-ari na sagutin lang ni Maynilad ay hanggang dun sa metro lang at anything after sa meter, sa consumer na 'yun," paliwanag ni Zmel Grabillo, head ng Maynilad-South Caloocan Business Area.

Suhestiyon ng Maynilad, magkabit na lang muna ng panandaliang tubo para ma-bypass ang may tagas na parte upang mapigilan ang paglobo ng bayarin.

Nangako ang Maynilad na sila ang maghahanda ng pagkakabitan ng bagong tubo na bibilhin ni Esplana.

"Pero inconvenient ito on our part kasi ilalabas 'yung tubo tapos kami maghahanap ng tubero, bibili ng lahat ng kailangan. Expose 'yung tubo eh may mga bata kami," aniya.

Ang lumobong water bill naman, pababayaran pa rin kina Esplana pero uutay-utayin na lang sa loob ng isang taon.

Sa mga konsumer na nais magpadala ng reklamo, mag-post lang sa Facebook page ng Tapat Na Po.

--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.