MAYNILA - Nagviral sa social media ang isang video na nagpapakitang hindi naobserbahan ang physical distancing sa pamamahagi ng relief goods sa Barangay West Rembo, Makati City nitong Linggo ng umaga.
Nabahala ang isang Bayan Patroller nang makita niya paglabas ng kanilang bahay ang pagdumog ng mga residente sa pamimigay ng isang pari ng nasa 250 relief packs alas-5 ng umaga.
May lamang 5 kilong bigas at 4 na canned goods ang bawat relief pack.
Ayon sa Bayan Patroller, araw-araw namimigay ang pari sa lugar pero nagulat siya na wala pa ring kaayusan ang pila.
Nang dumating ang pulisya sa lugar, pinapila nang mas maayos ang mga taong umaasang maabutan ng tulong hanggang alas-8 ng umaga.
Kasalukuyang may higit 17,000 reaction at 17,000 shares na ang video na nakuhaan sa Gate 1, Kalayaan Avenue, Brgy. West Rembo.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, Makati, BMPM, relief goods, physical distancing, COVID-19, coronavirus, Luzon lockdown, Luzon quarantine