Valenzuela kumontrata ng tagalaba ng damit ng COVID-19 patients, PPEs ng frontliners | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Valenzuela kumontrata ng tagalaba ng damit ng COVID-19 patients, PPEs ng frontliners

Valenzuela kumontrata ng tagalaba ng damit ng COVID-19 patients, PPEs ng frontliners

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Hindi lang pagkain, medical needs, at iba pang pangangailangan ang hatid ng Valenzuela City local government sa mga pasyenteng may COVID-19 at frontliners, kundi pati pag-asikaso sa kanilang mga labahin.

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, nakipag-uganayan sila sa isang laundry shop para maglaba ng mga damit ng COVID-19 patients at medical staff na nananatili ngayon sa Balai Banyuhay at Meaco Hotel.

May sinusunod aniya na protocol ang LGU para sa tamang pag-handle ng mga damit ng COVID-19 patients at washable personal protective equipment (PPE) ng medical workers.

Nagbibigay aniya ng yellow plastic bags ang LGU sa mga pasyente at medical staff para doon ilagay ang kanilang mga labada.

ADVERTISEMENT

Kukuhanin ito ng staff at ibibilad sa araw nang 2 oras, pagkatapos ay dadalhin na ito sa kinontratang laundry shop.

Ang laundry staff naman aniya ay required na nakasuot ng PPE mula sa pagtanggap ng mga labada hanggang sa matapos ito na malabhan.

Sinabi ni Gatchalian na ginawa ang hakbang na ito para hindi na mahirapan pa ang mga pasyente at para maiwasan na rin ang diskriminasyon lalo na sa mga medical worker.

Nauna nang inihirit ng ilan ang pagbubukas ng mga laundry shop sa gitna ng lockdown dahil tumatambak na umano ang mga labahin.

—Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.