Tindahan sa Pampanga na patuloy na nagtitinda ng alak, ipinasara

Trisha Mostoles, ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2020 12:55 AM

SAN FERNANDO, Pampanga—Ipinasara ng lokal na pamahalaan ng San Fernando Linggo ang isang convenience store sa Barangay San Agustin dahil sa patuloy na pagbebenta ng alak sa kabila ng ipinapatupad na total liquor ban sa lungsod.

Sa buy-bust operation, nakabili ng P250 na halaga ng alak ang asset. Nakumpiska sa tindahan ang aabot sa 1,000 na bote ng iba’t ibang klase ng alak.

Inaresto naman ng San Fernando police ang namamahala ng tindahan at ang dalawang indibidwal na naaktuhan ding bumibili.

Nahaharap ngayon sa kasong non-cooperation at disobedience ang mga nasabing indibidwal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.