2 patay, 3 arestado sa mga anti-drug ops sa Norzagaray | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 patay, 3 arestado sa mga anti-drug ops sa Norzagaray

Doland Castro,
ABS-CBN News
Published Apr 27, 2017 06:21 PM PHT

Dalawang high profile drug pusher ang napatay, at 3 pa nilang kasamahan ang nahuli sa engkwentro ng mga pulis at mga suspek sa magkahiway na operasyong kontra-droga sa Barangay Minuyan at Barangay Partida sa Norzagaray.

Sa video na kuha ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa Norzagaray, Bulacan noong Abril 18, kita ang kasamahan nilang pulis na nagpanggap na bumibili ng shabu.

Kausap pala ng pulis ang 2 armadong lalaking umano ay nagtutulak ng shabu.

Pero nakahalata umano ang isa sa mga lalaki, at itinutok ang baril sa pulis na nagpanggap na buyer.
Pero nakahalata umano ang isa sa mga lalaki, at itinutok ang baril sa pulis na nagpanggap na buyer.
ADVERTISEMENT
Dito na napasugod ang mga pulis hanggang sa humantong na sa engkwentro nila sa 2 armadong lalaki.

“Na-sense na pulis siya. Itinutok ang baril sa pulis natin na buyer. Suwerte lang na hindi pumutok, kaya nagkahabulan tapos doon na gumanti ng putok iyong isa pa nitong kasama, pero yung isa na kasama, iyon na ang nakipagbarilan din sa kanila,” ani Supt. Rizalino Andaya, hepe ng mga pulis sa Norzagaray.

Idineklarang dead on the spot naman ang 2 armadong lalaki, na kinilala lang sa kanilang mga alyas na “Ryan” at “Alon”. Arestado rin ang isa pa nilang kasama.

Samantala, nitong Martes lamang ay naaresto din sa follow-up operation ng mga pulis sa Barangay Partida ang dalawa pa umano nitong mga kasamahan.

Ayon kay Mervin Bartolome, isa sa mga naaresto ng mga pulis, hindi nito kilala ang ibang mga suspek.

Itinanggi rin ni Jober Fajardo ang pagkakakilala sa mga ito.

Ayon sa mga pulis, miyembro ng Akmad Drug Group ang mga nahuli at napatay.

Mga driver ng truck ang malimit nilang mga binibentahan ng bawal na gamot, ayon sa hepe ng pulis.

Sa ngayon, pinaghahanap pa ng mga pulis ang itinuturong lider ng grupo na nago-operate sa Norzagaray at San Jose del Monte.

Nakikipagugnayan pa rin sila sa mga may-ari ng trucking company, para malaman kung sino-sino pa ang mga supplier ng iligal na droga sa mga driver at pahinante.