Land Transportation Office (LTO) personnel work at the LTO’s Plate Making Facility on n Quezon City on June 03, 2022. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File.
MAYNILA -- Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) nitong Miyerkoles na inaasahang magkaubusan ng license plate para sa mga motorsiklo sa Hunyo habang sa Hulyo naman para sa mga four-wheeled vehicle.
Ayon kay LTO chief Jay Art Tugade, maaring maubos ang mga license plates para sa mga motorskilo sa Hunyo. Reiniel Pawid, ABS-CBN News
Ayon kay LTO Chief Jay Art Tugade, maaring maglagay ng "improvised plate" ang mga maapektuhan ng license plate shortage.
"Pwedeng maglagay ng improvised or temporary plates similar to motorcycles and dito sa improvised plates ang nilalagay natin sa kotse ay conduction sticker sa motor naman ang MV file number," dagdag ni Tugade.
Base sa pinakahuling datos ng LTO nitong Abril 26, mayroon na lamang nasa 3,000 blank plates para sa four-wheeled vehicles at 735,000 blank plates para sa motorsiklo ang nasa central office.
Ayon kay Tugade, may komite na naglalatag ng konkretong plano upang matugunan ang nakaambang kakulangan sa license plates.
Umapela rin ang LTO sa Department of Transportation na pabilisin ang procurement ng mga plaka.
"The budget that was given to LTO [for plate procurement] is around P5.2-B and that would address 80% of plate requirement for 2023," paglilinaw ni Tugade.
Oktubre noong nakaraang taon, sinabi ng LTO na target nilang matapos ang 90 porsyento ng license plate backlogs bago matapos ang 2023.
Samantala, isa pang kinahaharap ng LTO ang problema sa paglimbag ng driver’s license.
Nitong Abril 24, mayroon na lamang 110,000 driver’s license plastic cards ang LTO na tatagal ngayon buwan.
Nasa 162,000 naman ang driver’s license backlogs ng ahensya.
KAUGNAY NA ULAT
LTO, Jay Art Tugade, DOTr, Department of Transportation, Land Transportation Office