ALAMIN: Mga sakit na maaaring makuha dahil sa El Niño | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga sakit na maaaring makuha dahil sa El Niño

ALAMIN: Mga sakit na maaaring makuha dahil sa El Niño

ABS-CBN News

Clipboard

People shield themselves from the sun as they walk toward a transport terminal in Manila on April 17, 2023. Jonathan Cellona, ABS-CBN News
People shield themselves from the sun as they walk toward a transport terminal in Manila on April 17, 2023. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA — Nagbabala nitong Miyerkoles ang Department of Health sa mga sakit na maaaring dulot ng El Niño.

Lumalaki ang posibilidad na maramdaman na ang epekto ng El Niño, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Ang El Niño ay isang weather phenomenon na nagpapamalas ng klimatikong kondisyon na matinding init ng temperatura.

Ayon kay Maria Belinda Evangelista ng Health Emergency Management Bureau ng DOH, ang mga sakit na nakukuha dahil sa kakulangan sa supply ng tubig ay pagtatae at mga sakit sa balat.

ADVERTISEMENT

Samantala, pagkahapo at heat cramp naman ang mga karamdamang nauugnay sa mataas na temperatura.

Dagdag ni Evangelista, pagkalason, hika, pagsusuka at iba pang sakit na dulot ng pagkain ng isdang apektado ng Red Tide, na posibleng sumibol dahil sa El Nino.

Cholera, typhoid fever at maging ang mga vector-borne diseases tulad ng dengue ay posible ring susulpot dahil sa El Niño, aniya.

Ang mga sumusunod ay mga paraan upang makaiwas sa mga sakit bunsod ng El Niño:

  • Siguraduhing malinis ang pinagkukuhaan ng supply ng tubig
  • Magtipid at gamitin ang tubig sa wastong pamamaraan
  • Huwag kalimutang uminom ng sapat na tubig at manatiling well-hydrated
  • Huwag magbilad sa ilalim ng araw; gumammit ng sunblock/sunscreen kung hindi maiiwasang lumabas ng bahay
  • Magsuot ng mga damit na manipis o may komportableng tela
  • Iwasan ang mga aktibidad sa labas ng bahay sa oras na tirik na tirik pa ang araw

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.