FACT CHECK: Wala pang inendorso ang Iglesia ni Cristo sa #Halalan2022 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Wala pang inendorso ang Iglesia ni Cristo sa #Halalan2022

FACT CHECK: Wala pang inendorso ang Iglesia ni Cristo sa #Halalan2022

Bayan Mo,

Ipatrol Mo

 | 

Updated Dec 13, 2024 10:05 PM PHT

Clipboard

FACT CHECK

Hindi totoo ang nakasaad sa isang post sa Facebook na sinuportahan na umano ng Iglesia ni Cristo (INC) ang presidential candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Mababasa sa post ng “Uniteam Bbm-Sara” ang linyang, “Iglesia ni Cristo indores (sic) Uniteam, sure win”.

Ngunit sa opisyal na website ng INC, wala pang inilalabas na pahayag hanggang ngayong Martes kung sino ang susuportahan nito sa May 9 elections.

Umani na ang maling impormasyon ng mahigit 31,000 reactions, lagpas 14,000 shares, at 9,200 kumento, 16 araw matapos ito unang i-post noong Abril 10.

ADVERTISEMENT

Bagamat ginanap noong Pebrero 8 ang proclamation rally nina Marcos at Duterte-Carpio sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan na pagmamay-ari ng INC, una nang sinabi ng vice presidential bet na ito ay “commercial contract” at hindi nangangahulugang iniendorso ng INC ang tambalan.

Noong 2016 elections, sinuportahan ng INC si Pangulong Rodrigo Duterte at Marcos Jr. na tumatakbo at natalo noon sa pagka-Bise Presidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.