2 'nanlaban' patay sa anti-drug operation sa Nueva Ecija

ABS-CBN News

Posted at Apr 25 2021 03:09 PM

2 'nanlaban' patay sa anti-drug operation sa Nueva Ecija 1
Patay ang 2 drug suspect matapos umanong manlaban sa mga umaarestong pulis sa Nueva Ecija nitong Abril 25, 2021. Retrato mula sa Central Luzon police

Patay ang 2 hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos umanong manlaban sa mga umaarestong pulis sa bayan ng Santa Rosa, Nueva Ecija nitong umaga ng Linggo.

Sa imbestigasyon ng Nueva Ecija Provincial Police Office, nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga awtoridad laban sa 2 suspek sa Barangay Soledad.

Pero sa halip na magpaaresto, nakipagpalitan ng putok ng bairl ang 2 suspek, na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Narekober sa crime scene ang 2 kalibre .38 na baril, mga basyo ng bala, at 11 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P227,000.

— Ulat ni Gracie Rutao

FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC