Dating mag-live-in partner, natagpuang patay sa Bataan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dating mag-live-in partner, natagpuang patay sa Bataan

Dating mag-live-in partner, natagpuang patay sa Bataan

Trisha Mostoles,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 25, 2018 07:47 PM PHT

Clipboard

Natagpuan ang mga bangkay ng dating mag-live-in partner sa Abucay, Bataan nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa Abucay Police, noong nakaraang taon ay kinasuhan ng pamilya ng babae ang lalaki dahil sa pananakit, pero kalaunan ay iniatras din nito ang kaso.

Mula noon ay hindi na umano muling nagsama ang dalawa.

Natagpuan sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng isang kalibre .45 na baril.

May isang tama sa leeg ang babae habang sa bandang kanan ng noo naman tinamaan ang lalaki.

“Na-discover natin, nung binuhat ng SOCO (Scene of the Crime Operatives), 'yung baril nasa lalaki... So lumalabas na parang crime of passion ito," ani Senior Insp. Jennifer Cruz, hepe ng Abucay Police.

Tumangging magbigay ng pahayag ang pamilya ng babaeng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.