2 patay sa sunog sa Caloocan

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2021 12:00 AM | Updated as of Apr 24 2021 09:08 AM

MAYNILA— Umakyat sa dalawa ang bilang ng namatay sa sunog sa 2nd at 3rd Avenue sa Caloocan City, Biyernes ng gabi.
 
Ayon sa Bureau of Fire Protection, unang natagpuan ang bangkay ng 44 anyos na si Ronard Camacho na na-trap sa loob ng kaniyang bahay.
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jekki Pascual (@newspatrol)

Ang pangalawang nasawi ay ang 38-anyos na si Adonis Ventorozo na pinaniniwalaang mahina na rin ang kalusugan dahil sa sakit. Nadala pa siya sa ospital pero idineklarang dead on arrival. 

Wala namang ibang nasaktan sa insidente at nakita na ang mga unang naiulat na nawawala. 

Nawalan ng tirahan ang 20 pamilya matapos na masunog ang tinatayang 15 mga bahay. 

Inaalam pa ang sanhi ng sunog na umabot sa ikalawang alarma at naideklarang fire out alas-9:52 ng gabi.
 
Nasa P90,000 naman ang halaga ng mga ari-arian na natupok ng apoy. 

 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.