Mga dumalo sa People’s Party at street party ni Robredo, umabot sa 420,000 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga dumalo sa People’s Party at street party ni Robredo, umabot sa 420,000

Johnson Manabat,
ABS-CBN News
Published Apr 23, 2022 10:37 PM PHT

Nakakabinging hiyawan sa People's Rally at street party para kay Vice President Leni Robredo ang narinig sa Macapagal Blvd. sa Pasay City nang ianunsyo sa stage na umabot na sa 420,000 ang mga dumalo dito.

Kasunod nito, magkasamang humarap sa publiko sina Robredo at Sen. Kiko Pangilinan bandang 8:40 ng gabi.

Simpleng gray na damit ang suot ni Robredo na may pink na rosas sa kaliwang bahagi ng dibidib.

Present din sa stage ang tatlong anak ni Robredo na sina Aika, Jillian at Tricia Robredo suot ang puting t-shirt na may imprenta ng mukha ng kanilang ina.

ADVERTISEMENT
Inalayan sila ng kanta nina Ogie Alcasid at Jano Gibbs.

Present rin sa programa para magpakita ng pagsuporta sina Julia Barretto at Gab Pangilinan na nagtanghal kasama ang Ateneo Chamber of Singers.

Nagpadala rin ng kanyang video greetings kay VP Leni at pagbati sa mga naki-party sa Pasay City ang actor na si Donnie Pangilinan na siya namang nagpakilala kay Gary Valenciano.

Si Gary Valenciano, todo-bigay sa kanyang performance kaya lalong tumaas pa ang energy ng mga manonood.

Ang anak naman na si Gab sumabay din sa hataw ng ama para pasayahin ang mga dumadalo sa party at ikampanya ang tamabalang Leni-Kiko.

Sa pagtatapos ng kanilang performance, umapela ang mag-ama na ipanalo ang kandidatura ng tambalang Leni at Kiko Pangilinan.

Ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, panalo din sa pagkanta at pinagbigyan din ang hirit ng publiko na duet kasama ang mister na si Ogie Alcasid.

“Nandito po ako para sabihin na ako po ay sumusuporta. Pasensiya na po kasi meron akong mga kailangang ayusin muna bago ako makapunta,” sabi ni Velasquez.

Kinantahan pa si Regine ng happy birthday ng publiko matapos niyang ianunsyo na birthday niya kahapon kaya halos magka-birthday sila ni VP.

Maraming mga supporters din ang nagpaabot ng larawan at ibat-ibang memorabilia para kina VP Leni at Sen. Kiko Pangilinan.

Read More:
People’s Party
Street Party
VP Leni Robredo
Kiko Pangilinan
Gary Valenciano
Gabb Valenciano
420
000
Halalan 2022
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT