Bangkay ng 2 lalaki narekober sa karagatan ng Camotes Island, Cebu | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bangkay ng 2 lalaki narekober sa karagatan ng Camotes Island, Cebu

ABS-CBN News
Published Apr 23, 2021 02:58 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
MAYNILA - Narekober ng mga awtoridad nitong Miyerkoles ang bangkay ng 2 lalaki na nalunod sa karagatan ng San Francisco, Camotes Island sa Cebu.

Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard nitong Biyernes, natagpuan ng isang residente ang bangkay ni Jhon Mark Heriodas, 19 anyos, sa karagatan ng Barangay Isidro.

Narekober naman ng search and rescue team ang bangkay ni Clark Paradero, 21 anyos, malapit sa Canlusong Wharf. Itinurnover ang mga bangkay sa San Francisco Funeral Services.

Iniulat na nawawala nitong Lunes ang 2 lalaki matapos mag-swimming sa Camotes Island kasama ang mga kaibigan. Na-rescue naman ng San Francisco Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang 6 na iba pa.

Nangyari ang insidente habang nanalasa sa silangang bahagi ng bansa ang Bagyong Bising.

KAUGNAY NA BALITA
Read More:
Regional news
Regions
Tagalog news
2 bangkay missing Camotes Island
2 lalaki nalunod Camotes Island
Camotes Island
San Francisco
Cebu
drowning
Typhoon Bising
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT