Anak ng lalaking namatay matapos pumila sa community pantry ni Angel Locsin walang sinisisi
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Anak ng lalaking namatay matapos pumila sa community pantry ni Angel Locsin walang sinisisi
Raya Capulong,
ABS-CBN News
Published Apr 23, 2021 06:13 PM PHT

MAYNILA - Hindi makapaniwala si Jenifer Fosana sa sinapit ng kaniyang ama na si Rolando Dela Cruz, ang senior citizen na nahimatay at kalauna'y pumanaw matapos pumila sa community pantry na inisyatibo ng aktres na si Angel Locsin bilang selebrasyon ng kaniyang kaarawan nitong Biyernes.

Kuwento ni Fosana, bandang alas-6 ng umaga nang umalis ng bahay si Dela Cruz, 67 anyos. Akala aniya nila bibili lang ito ng kanyang mga panindang balut.

"Bibili lang siya ng balut, hindi na nakabalik. 'Yun pala pumila doon tapos nalaman namin mga 9:30, inatake daw, ay nahimatay daw maya-maya... Nabalitaan namin inatake daw, patay na daw," ani Fosana.

Ayon kay Fosana, mahilig raw talagang pumila sa mga namimigay ng ayuda ang kanilang ama pero hindi nila ito pinapayagan dahil senior citizen na.

"Alam niya na hindi namin siya papayagan niyan. Hindi nagpapaalam 'yan, bigla lang 'yan nawawala, tumatakas 'yan siguro natuwa siya kay Angel Locsin na maraming ibibigay," ani Fosana.

Sinabi naman ni Fosana na tinulungan sila ng aktres.

"Nandoon po si Angel Locsin pinuntahan siya sinagot na raw lahat hindi sila pinabayaan doon," ani Fosana.

Masakit man sa kanilang pamilya ang nangyari pero wala aniya silang sinisisi.

"Masakit pero wala naman may gusto na may ganito, hindi naman kami naninisi ng ibang tao kasi hindi naman nila ito ginusto," ani Fosana.

May panawagan naman siya sa mga pumipila sa mga community pantry.

"'Pag hindi naman kailangan din siguro sa bahay na lang muna, mas maganda siguro 'yung safe ang katawan," ani Fosana.

Courtesy: Facebook page ni Angel Locsin
Una nang humingi ng patawad si Locsin sa mga naabala nang mauwi sa siksikan ang pila dahil sa kaniyang community pantry.

Sa hiwalay pang Facebook post, sinabi ni Locsin na "habang buhay" siyang humihingi ng tawad sa pamilyang naulila ng senior citizen.

"Bago po ang lahat, humihingi po ako ng tawad sa pamilya. Kanina po pinuntahan at nakapagusap po kami ng personal ng mga anak niya sa ospital. At habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila," ani Locsin.

"Si tatay po ay isang masipag na ama na nagtitinda ng balut. Hindi ko man po siya nakilala pero sa pagkakakilala ko sa mga anak niya ay mabuti po siyang ama at maayos niyang napalaki ang mga anak nya," dagdag niya.

Ayon kay Locsin, prayoridad niya ngayon na matulungan ang naulilang pamilya. Hangad niya na sana ay hindi madamay ang ilan pang naipatayo na community pantries.

"Ang nangyari po ay akin pong pagkakamali. Sana po’y wag madamay ang ibang community pantries na maganda po ang nangyari. Sa ngayon po, I will prioritize helping the family and I will make it my responsibility to help them get through this," ani Locsin.

Nauna nang sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na ikinalulungkot nito ang nangyari at hiling sa mga organizer ng community pantries na maagang mag-abiso sa awtoridad para makatulong sa pagsasaayos ng mga pila.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Angel Locsin
community pantry
Rolando Dela Cruz
senior citizen
Angel Locsin Community Pantry
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT