Magbiyenan patay sa pamamaril sa eskinita sa QC | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magbiyenan patay sa pamamaril sa eskinita sa QC

ABS-CBN News
Published Apr 23, 2020 10:47 AM PHT

Patay ang magbiyenan matapos pagbabarilin sa Bicoleyte street, Barangay Commonwealth sa Quezon City gabi ng Miyerkoles.

Batay sa paunang ulat ng Quezon City Police District Station 6, kinilala ang mga biktima na sina Mel Banzuelo, 40 anyos at biyenan niyang si Jelita Jaquin, 63 anyos.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na naglalakad sa eskinita si Banzuelo nang pagbabarilin siya ng hindi pa nakikilalang salarin, alas-10 kagabi.

Nakita mismo ng anak ni Banzuelo ang pamamaril at sinubukan pang awatin ang gunman.

ADVERTISEMENT
Batay sa salaysay ng kaanak ng mga biktima, nakapasok pa sa loob ng bahay si Banzuelo, pero patuloy pa rin siyang pinaputukan.

Dito na rin tinamaan ng bala ang kanyang biyenan na si Jaquin.

Isinugod ang dalawa sa ospital pero dead on arrival ang mga ito.

Bukod pa sa gunman, pinaghananap na rin ng pulisya ang dalawang kasamahan nito na nagsilbing lookout.

Patuloy ang imbestigasyon hinggil sa motibo sa krimen at maging kung papaano nakalusot ang mga kawatan dahil may mga nagbabantay umano na mga barangay officials sa mga quarantine checkpoints.

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT