Health expert may payo para di ma-heat stroke | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Health expert may payo para di ma-heat stroke

Health expert may payo para di ma-heat stroke

ABS-CBN News

 | 

Updated May 12, 2020 07:09 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa gitna ng mainit na panahong nararanasan ngayon, nagbigay ng payo ang isang public health expert para makaiwas ang mga mamamayan sa heat stroke.

Ayon sa doktor na si Susan Mercado, maaaring makaranas ng heat stroke at himatayin ang mga tao dahil sa mataas na temperatura.

Kaya naman ipinayo ng doktora sa publiko, lalo sa mga taong nasa labas at direktang lantad sa init ng araw, ang regular na pag-inom ng tubig para manatiling maginhawa ang katawan.

Ipinayo rin ni Mercado ang pagsusuot ng mga damit na manipis at hindi "dark colors," at sando para hindi mainitan ang katawan.

ADVERTISEMENT

Kung kaya ay maaari ring maligo nang ilang beses sa isang araw, ayon kay Mercado.

Noong Miyerkoles, naitala ang pinakamataas na heat index sa Metro Manila ngayong taon.

-- Ulat ni Abner Mercado, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.