2 sundalo sugatan nang tambangan sa Davao City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 sundalo sugatan nang tambangan sa Davao City

ABS-CBN News
Published Apr 23, 2020 02:56 PM PHT

Sugatan ang 2 sundalo matapos tambangan ng mga umano ay miyembro ng New People's Army (NPA) sa Paquibato district, Davao City noong hapon ng Miyerkoles.

Ayon kay Col. Nolasco Mempin, commander ng 1003rd Brigade, tinambangan ng mga miyembro ng NPA ang mga sundalo ng 16th Infantry Batallion sa Sitio Taloytoy sa Barangay Malabog.

Pumunta umano ang mga sundalo sa naturang lugar matapos makatanggap ng sumbong mula sa concerned citizen na may mga armadong grupo doon.

Kinondena naman ni Davao City Mayor Sara Duterte ang pag-atake.
Kinondena naman ni Davao City Mayor Sara Duterte ang pag-atake.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Duterte, dapat sana ay nagtutulungan ang lahat ngayon laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Nanawagan din ang alkalde sa publiko na huwag suportahan ang mga rebelde at paalisin sa kanilang mga komunidad. -- Ulat ni Claire Cornelio, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
Davao City
sundalo
ambush
pananambang
Philippine Army
New People's Army
Sara Duterte
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT