Babae, nagpaputol ng paa para mailabas sa gumuhong gusali | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae, nagpaputol ng paa para mailabas sa gumuhong gusali

Babae, nagpaputol ng paa para mailabas sa gumuhong gusali

Trisha Mostoles,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 23, 2019 07:18 PM PHT

Clipboard

Dadaan muli sa operasyon si Maria Martin matapos na nagpaputol paa para lamang makaligtas mula sa pagkakaipit sa gumuhong gusali sa Porac, Pampanga. Trisha Mostoles, ABS-CBN News

PORAC, Pampanga – Nagdesisyon ang isang 25-anyos na babae na ipaputol ang kaniyang paa para lamang makaligtas mula sa pagkakaipit matapos na gumuho ang Chuzon Supermarket dahil sa malakas na lindol noong Lunes.

Tatlong oras na-trap sa loob si Maria Martin sa gusali, kung saan may dalawang taon na siyang tindera ng cellphone.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nang lumindol, hindi umano siya agad nakalabas dahil naipit ang kaniyang paa ng mga bumagsak na concrete debris.

“Puputulin ko na po yung paa ko. Nakakita po ako ng parang kutsilyo siya, ako na lang puputol para makatakas ako dito. Naisip ko lang po nang wala pang dumating na tulong,” kuwento niya.

ADVERTISEMENT

Natagpuan ng rescuers sa ground floor si Martin na agad sinalinan ng dugo ng mga rumespondeng doktor sa mismong site dahil sa duguang ulo. Para makalabas na sa gusali, dito na rin siya nagpasya na ipaputol ang kanan niyang paa mula tuhod.

“Pumayag naman po ako para sa buhay ko din, para sa pamilya ko din,” ani Martin.

Dadaan muli sa operasyon sa naputol na paa si Martin.

“Kung ‘di kasi siya putulin ng paa doon siguro tiningnan nila yung viability ng leg na nakaipit, baka lumala pa yung injury niya. So we need to extricate,” ani Dr. Monserrat Chichioco, medical center chief ng Jose B. Lingad Memorial Hospital.

Isa si Martin sa 16 katao na pawang biktima ng lindol na isinugod sa naturang pagamutan. May mga itinalagang trauma rooms ang ospital kung saan dadalhin ang lahat ng mga naging biktima sa lindol.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.