Red Cross Davao, nanawagan sa publiko na magdonate ng dugo | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Red Cross Davao, nanawagan sa publiko na magdonate ng dugo

Red Cross Davao, nanawagan sa publiko na magdonate ng dugo

Earl Galindo,

ABS-CBN News

Clipboard

Nakasuot ng personal protective equipment and tauhan ng Philippine Red Cross-Davao habang kinukuhanan ng dugo ang isang donor. Handout

DAVAO CITY - Nanawagan ang Philippine Red Cross-Davao sa publiko na mag-donate ng dugo matapos bumaba ang nakokolekta nito matapos ipatupad ang enhanced community quarantine dahil sa banta ng COVID-19.

Nitong Marso, umabot lang sa 300 units ang nakolektang blood donations ng PRC-Davao, mas mababa sa inaasahang 800-900 units kada buwan.

Patuloy ang demands ng dugo sa mga ospital at pasyente kaya’t kinakailangang mapunan ang kakulangan.

Ayon sa Red Cross, hatid-sundo mula bahay papunta sa kanilang opisina ang mga donor ng dugo.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon, may 6 hanggang 10 volunteers kada araw ang tinatanggap ng Red Cross. Bukas din ang ahensya para sa mga walk-in donors.

Sinisiguro din ng Philippine Red Cross Davao na sumunod sa social distancing at may suot na mga protective mask ang lahat ng donors.

“Ginahangyo nako tung mga wala pa ka donar og dugo, mga prospective donors, mga first timers, please, if you think you are qualified to donate blood, please have an appointment with us and we will go kung asa man mo para sunduon," ani Rizh Abellano, blood donor recruitment officer ng Red Cross.

(Hinihiling ko sa mga hindi pa nakapagbigay ng dugo, mga prospective donors, mga first timers, please if you think you are qualified to donate blood, please have an appointment with us and we will go kung saan kayo para sunduin.)

Para sa mga nais tumulong, maaaring makipag-ugnayan sa Red Cross sa mga sumusunod na hotline:

(082) 227-3949
0908-874-8460
0932-8600-468
0917-7040-468

Maaari rin magpadala ng mensahe sa kanilang official Facebook page.

Sa rehiyon ng Davao, mayroong 111 kaso ng COVID-19, ayon sa huling tala ng Department of Health. Sa bilang na ito, 56 ang nakarekober habang 16 ang namatay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.