6 arestado sa pag-hoard ng medical supplies sa Maynila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

6 arestado sa pag-hoard ng medical supplies sa Maynila

6 arestado sa pag-hoard ng medical supplies sa Maynila

ABS-CBN News

Clipboard

Retrato mula sa National Capital Region Police Office Public Information Office

Anim katao, kabilang ang isang Chinese national, ang naaresto sa Maynila dahil sa umano ay pag-hoard o pagtatago nang maraming medical supplies, sabi ngayong Miyerkoles ng pulisya.

Inaresto ang mga suspek sa entrapment operation noong Lunes sa may Tondo district, ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ikinasa ng mga pulis ang operasyon matapos makatanggap ng intelligence report ukol sa pagbebenta ng mga suspek ng face masks at vitamins nang mas mataas sa suggested retail price (SRP) at walang pahintulot mula sa Food and Drug Administration, ayon sa NCRPO.

Nakuha sa mga suspek ang 14,150 piraso ng face masks na nagkakahalaga ng P169,000, 86,400 capsule ng multi-vitamins na nagkakahalaga ng P720,000, at 600 piraso ng test kits na nagkakahalaga ng P180,000, sabi ng pulisya.

ADVERTISEMENT

Muling pinaalala ni NCRPO chief Police Maj. Gen. Debold Sinas na pinagbabawal sa batas ang pagbebenta ng medical supplies nang mas mahal sa SRP, maging ang pag-hoard ng mga ito.

"We are in the middle of a health crisis here and the worst you can do is take advantage of our people for profit," ani Sinas sa pahayag.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Bayanihan Act, Consumer Act, Price Act, at Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad