DSWD: 4.7 milyong pamilya nabigyan na ng ayuda sa ilalim ng SAP | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DSWD: 4.7 milyong pamilya nabigyan na ng ayuda sa ilalim ng SAP

DSWD: 4.7 milyong pamilya nabigyan na ng ayuda sa ilalim ng SAP

Raya Capulong,

ABS-CBN News

Clipboard

Nakipagtulungan ang mga tauhan ng lokal na barangay ng Addition Hills, Mandaluyong sa mga asosasyon para tukuyin ang mga bibigyan ng food aid mula sa lokal na pamahalaan nitong Abril 2, 2020. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA -- Umabot na sa P22 bilyon ang naipamahagi sa 4.7 million na benepisyaryo ng social amelioration program (SAP) sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi ni DSWD Undersecretary Camilo Gudmalin sa isang online briefing na nitong Linggo, sa pangkalahatan, ay umabot na sa P22 bilyon ang naipahatid sa 4.7 milyon ng benepisyaryo ng SAP.

Ang ahensya at mga lokal na pamahalaan ay nakapagbigay na ng mahigit P6 bilyon sa humigit na isang milyon na non-4P's na benepisyaryo.

Mahigit P16.3 bilyon na rin aniya ang naibigay sa mga 4Ps na benepisyaryo sa kanilang cash card sa buong bansa.

ADVERTISEMENT

May P323 milyon naman ang naiabot aniya sa 40,000 na public utility vehicle drivers sa National Capital Region.

Naipamahagi na rin aniya ang P74.5B na pondo sa 1,359 na lokal na pamahalaan sa buong bansa.

Sinabi pa ni Gudmalin na bukod sa emergency subsidy, nagpahatid din ng augmentation assistance ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan na kailangan ng family food packs.

Sa ngayon ay nasa 445,580 food packs na nagkakahalaga ng P173 milyon ang naipamahagi nila sa iba't ibang lokal na pamahalaan, aniya.

Sinabi rin ng opisyal na inumpisahan na rin ang pagbibigay ayuda para sa mga mahihirap na senior citizen na kabilang sa Social Pension for Indigent Senior Citizens.

Mayroong 134,000 na pensioners mula sa CARAGA at Cordillera Administrative Region na nabigyan ng tig-P3,000 para sa unang semester ng 2020.

Giit naman ni Gudmalin na magsasagawa ng validation matapos na maipamagahi ang subsidiya ng SAP.

Aniya, ang prayoridad ngayon ay maipamahagi muna ang subsidiya.

Dismayado naman ang DSWD sa mga natanggap na report na ginamit ng ilang indibidwal sa maling paraan o ginamit na pangsabong at pambili ng ilegal na droga ang natanggap na subsidiya.

Paalala nila sa mga residente na ang SAP subsidiya sa ilalim ng SAP ay ipinamamahagi para maibsan ang kahirapan na dulot ng enhanced community quarantine.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.