Droga sa medyas: Pasahero nahuli sa Cebu City Port | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Droga sa medyas: Pasahero nahuli sa Cebu City Port

Droga sa medyas: Pasahero nahuli sa Cebu City Port

Donna Lavares,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 21, 2018 10:16 AM PHT

Clipboard

CEBU CITY - Hindi bababa sa 79 na ampules ng Nubain ang nakuha mula sa isang pasahero sa loob ng Cebu City Port, Biyernes.

Ang Nubain ay isang painkiller na idineklara ng gobyerno na isang dangerous drug simula noong 2011.

Nakuha ang ipinagbabawal na gamot mula sa 49-anyos na si Jose Katalbas na sasakay sana ng roll-on, roll-off vessel patungong Bohol.

Minanmanan siya ng mga pulis matapos niyang pumasok sa pantalan nang hindi dumaan sa karaniwang boarding area para sa mga pasahero, ani Inspector Vincent Castrodes, officer in-charge ng Cebu City Port Police.

ADVERTISEMENT

Nang siyasatin ang mga gamit ng suspek, nakita ng mga pulis ang 79 nubain ampules at isang syringe sa loob ng kaniyang mga medyas.

Ayon sa mga awtoridad, kabilang si Katalbas sa drug watchlist ng Tagbilaran Police.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung sino ang mga kasabwat ni Katalbas matapos nitong aminin na ito na ang ika-4 na pagkakataon na nagpuslit siya ng iligal na droga sa pantalan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.