Bago magsara, Boracay sinusulit na ng mga turista | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bago magsara, Boracay sinusulit na ng mga turista

Bago magsara, Boracay sinusulit na ng mga turista

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 22, 2018 09:02 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sinusulit na ng mga turista ang kanilang bakasyon sa isla ng Boracay.

Sa Abril 26 o sa Huwebes sa susunod na linggo nakatakdang ipatupad ang closure order sa Boracay upang isailalim ito sa malawakang rehabilitasyon.

Kaya naman enjoy muna ang mga turistang gaya ni Don Duria ng Quezon City, na kasama ang mga kaibigan upang makapag-relax sa maputing buhangin ng Boracay.

"Actually susulitin namin ito hanggang Monday. Kasi balik na rin kami ng trabaho eh," ani Duria.

ADVERTISEMENT

May mga aktibidad pa na puwedeng gawin ang mga turistang nasa Boracay ngunit may iba ring establisimyento na nagsara na. Kuha ni Nony Basco, ABS-CBN News

Ang pamilya naman ni Bebie Bael na nag-tour sa Luzon ay dumaan pa ng Boracay bago umuwi ng Cebu sa Linggo.

"Ita-try namin 'yung mga activities tulad ng banana boat ride, saka nagpapa-braid na rin [ng buhok] para souvenir pa-picture," sabi ni Bael.

Sa datos ng Caticlan Jetty Port, bumagsak ng 18 porsiyento ang bilang ng mga turistang dumating sa mga nalalabing araw bago isara ang Boracay.

Nagsara na ngayong Sabado ang ilang maliliit na establisimyento tulad ng isang fast-food chain sa station 3.

"Uubusin na lang namin 'yung product tapos uwi na lang kami siguro," pahayag ng cashier na si Eugene Pagatpat.

Bagsak-presyo na rin ang isang malaking souvenir shop sa Boracay. Ayon sa mga empleyado, habang may turista pa sa isla ay kailangang kumita muna sila.

"Nagbagsak kami ng presyo...Kasi pa-close na," ayon sa empleyado ng shop na si Liezel Oliveros.

Mahigit 100 empleyado ng souvenir shop ang maaapektuhan ng closure. Pero bibigyan naman umano sila ng kanilang amo ng pansamantalang trabaho gaya ng paglilinis sa beach.

Sa kabuuan, nasa 36,000 daw ang mga trabahador na maaapektuhan ng closure, ayon sa mga stakeholders.

--Ulat ni Nony Basco, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.