Teenager nalunod sa ilog sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Apr 20 2019 05:28 PM

Patay ang isang teenager Sabado ng umaga matapos malunod sa ilog sa bayan ng Murcia, Negros Occidental, ayon sa pulisya.

Nalunod si Frances Ford Garcia matapos mag-dive sa malalim na bahagi ng ilog, ayon kay Police Chief Master Sgt. Danilo Pastro.

Pinigilan pa si Garcia ng kaniyang kuya bago mag-dive pero tumuloy pa rin ito, ani Pastro.

Matapos tumalon ay hindi na umano umangat sa tubig si Garcia.

Halos kalahating oras ang inabot bago nakuha sa tubig ang katawan ni Garcia dahil walang marunong mag-rescue sa mga kasamahan nitong mga kabataan, ayon kay Pastro.

— Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.