Pahinante, patay matapos matabunan ng coco lumber | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pahinante, patay matapos matabunan ng coco lumber

ABS-CBN News
Published Apr 19, 2017 07:22 PM PHT

CEBU - Patay ang isang pahinante ng trak matapos itong madaganan ng coco lumber sa bahagi ng highway sa Lawaan, Talisay City.

Ayon sa drayber na si Danilo Sabanal Jr., gumuho ang patas ng coco lumber dahil sa pag-apak niya sa preno matapos mag-overtake ng isang taxi sa kanyang trak.

Nakatayo ang biktimang si Ariel Luceno sa lugar kung saan gumuho ang mga coco lumber. Namatay ito matapos madaganan ng mga kahoy.

Naisugod pa siya sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Naisugod pa siya sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
ADVERTISEMENT
Pagmamay-ari ng Jarius Enterprises ang trak. Dadalhin ang mga coco lumber sa bayan ng Minglanilla mula sa pier ng Cebu City.

Kakasuhan ng reckless imprudence si Sabanal dahil sa insidente.