Tren ng PNR nadiskaril sa Makati | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Tren ng PNR nadiskaril sa Makati

Tren ng PNR nadiskaril sa Makati

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 21, 2023 11:56 AM PHT

Clipboard

Rail inspectors and personnel assess the tracks and carriages of the Philippine National Railways (PNR) that derailed near the Pasay Road Station in Makati City on April 18, 2023. Maria Tan, ABS-CBN News
Rail inspectors and personnel assess the tracks and carriages of the Philippine National Railways (PNR) that derailed near the Pasay Road Station in Makati City on April 18, 2023. Maria Tan, ABS-CBN News

MAYNILA -- Nadiskaril nitong umaga ng Martes ang isang tren ng Philippine National Railways (PNR), dahilan para maantala ang biyahe sa linya.

Tumagilid at halos matumba ang tren — na papuntang Alabang, Muntinlupa mula Tutuban, Maynila at may sakay na 400 pasahero — sa bahagi ng Don Bosco sa Makati matapos madiskaril.

Bahagyang bumagal ang daloy ng trapiko sa lugar matapos magsibabaan ang mga pasahero mula sa tren.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

ADVERTISEMENT

Sa bigat ng tren, halos mahukay nito ang lupa. Nasira rin ang trabyesa o wood tire ng riles matapos madaanan ng tren.

Naputol din ang mismong riles.

Agad nagsagawa ng rerailment procedure ang engineering department ng PNR. Kinalas ang locomotive mula sa mga bagon at hinatak ito palayo.

Agad ding kinumpuni ang mga lumikong riles na nawala sa alignment dahil sa insidente.

Iniimbestigahan na rin ng pamunuan ng PNR ang sanhi ng insidente.

"We will look all aspects, siyempre mayroon bang naging pagkukulang ang ating mga operators, 'yong track condition natin," ani PNR operations department manager Joseline Geronimo.

Humingi rin ng paumanhin ang PNR sa mga apektadong pasahero.

"Kami po ay humihingi ng dispensa sa aming mananakay nagkaroon po tayo ng 'di inaasahang pangyayari kaninga umaga, salamat na nga lang po at wala naman nasaktan," ani Geronimo.

Dahil sa aksidente, naapektuhan ang biyahe ng PNR sa EDSA papuntang Alabang. Limitado naman hanggang Vito Cruz ang biyahe ng tren mula Tutuban at hanggang Dela Rosa lang muna ang tren mula Governor Pascual.

— Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.