#WalangPasok: Lunes, Abril 19 dahil sa Bagyong Bising | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

#WalangPasok: Lunes, Abril 19 dahil sa Bagyong Bising

#WalangPasok: Lunes, Abril 19 dahil sa Bagyong Bising

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 19, 2021 10:56 AM PHT

Clipboard

MAYNILA (UPDATE) — Walang pasok ang mga mag-aaral sa lahat ng antas sa mga sumusunod na lugar sa Lunes, Abril 19, 2021, dahil sa inaasahang masamang panahong dala ng Bagyong Bising.

Suspendido ang klase sa lahat ng antas at trabaho ng mga manggagagawa sa Catanduanes. Sa memorandum na ipinalabas ni Governor Joseph Cua hinggil sa suspensyon ng pasok sa mga paaralan at opisina, bagama't hindi kasama ang mga kawaning nagbibigay ng "basic services" at "disaster response."

Suspendido rin ang pasok sa mga paaralan at opisina ng gobyerno sa lungsod ng Tacloban sa Leyte, ayon sa memorandum na ipinalabas ni Mayor Alfred S. Romualdez.

Samantala, walang pasok sa mga pampublikong paaralan at opisina ng gobyerno sa lalawigan ng Samar, ayon kay Governor Reynolds Michael Tan.

ADVERTISEMENT

Bumagal ang pagkilos ng Bagyong Bising habang patuloy nitong binabaybay ang Philippine Sea, base sa 5 p.m. bulletin ng PAGASA ngayong Linggo.

Mababa ang tsansa nitong mag-landfall sa bansa, pero inaasahang magdadala ng mga pag-ulan ang bagyo sa Eastern Visayas at Bicol region.

I-refresh ang pahinang ito para sa updates.

- May ulat nina Karren Canon at Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bisitahin ang ABS-CBN Weather Center para sa latest weather updates.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.