Mga pulis ginamit ang allowance pambili ng ayudang pagkain para sa mga taga-Agusan del Norte | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga pulis ginamit ang allowance pambili ng ayudang pagkain para sa mga taga-Agusan del Norte

ABS-CBN News
Published Apr 18, 2020 02:31 PM PHT
|
Updated Apr 19, 2020 09:57 AM PHT

Inipon ng isang grupo ng mga pulis ang kanilang isang araw na meal allowance pambili ng pagkain para sa mga nangangailangang pamilya sa dalawang barangay sa Buenavista, Agusan Del Norte.

Dried fish, gulay, at manok ang ipinamigay ng mga pulis ng Regional Mobile Force Batallion 13 (RMFB13) sa mga residente ng Barangay Manapa at Barangay Tinago.

Ayon kay RMFB13 Acting Force Commander Police Lt. Col. Dexter Ollaging, prayoridad nila ang mga apektadong residente lalo na iyong mga hindi na nakakapagtrabaho matapos isailalim sa enhanced community quarantine ang buong rehiyon.

Nakalikom sila ng mahigit P140,000 at ipinambili ng pagkain.
Nakalikom sila ng mahigit P140,000 at ipinambili ng pagkain.
ADVERTISEMENT
Galing ito sa mahigit 700 personnel na nag-donate ng tig-P200.

Noong nakaraang linggo, namigay rin ng isda ang grupo ng mga pulis sa Buenavista.

— Ulat ni Charmaine Awitan, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
regions
regional news
Regional Mobile Force Batallion 13
Agusan Del Norte
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT