70 anyos na lola patay sa sunog sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2020 02:56 PM

Patay ang isang 70 anyos na babae sa sunog sa isang 3 storey residential building sa Sta. Ana, Maynila umaga ng Biyernes. 

Kinilala ang biktima na si Helen Alvarez. 

Ayon kay Guillermo Firmalino ng Bureau of Fire Protection - Manila, umabot sa unang alarma ang sunog na nagsimula bandang alas-11:48 ng umaga. 

Sinasabing nagsimula ang sunog sa unit ni Ariston Alvarez, mister ng biktima. 

Hindi naman lumaki ang sunog at agad ding nakontrol ito ng mga awtoridad. 

Sa inisyal na imbestigasyon, lumabas na naninirahan sa nasunog na gusali ang 4 pamilya na magkakamag-anak din. 

-- Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.