Occupancy rate sa Pasay City General Hospital nasa 94 percent na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Occupancy rate sa Pasay City General Hospital nasa 94 percent na

Occupancy rate sa Pasay City General Hospital nasa 94 percent na

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Umabot na sa 94 percent ang occupancy rate ng COVID-19 patients sa Pasay City General Hospital.

“As of today, marami pa ring dinadala sa amin na moderate to critical cases. Our occupancy for our COVID confirmed wards po is 94 percent as of 7 a.m. today,” pahayag ni Dr. John Victor De Gracia, ang officer in charge ng ospital.

Sa kabila nito, sinabi ni De Gracia sa panayam sa TeleRadyo nitong Biyernes ng umaga na patuloy pa rin sa pagtanggap ng mga pasyente ang kanilang ospital.

“Meron pa tayong konting available beds hindi pa tayo 100 percent full,” sabi niya.

ADVERTISEMENT

Binibigyan aniya nila ng priority ang mga residente ng Pasay City pero tumatanggap rin sila maging residente ng ibang lungsod.

“Ang aming non-Pasay residents na nakaadmit ngayon around 10 to 15 percent po,” sabi niya.

Patuloy naman aniyang nakakatugon ang kanilang rescue units sa komunidad at nasa 92 porsiyento naman ng kanilang mga healthcare worker ang nabakunahan na.

Nakatakda naman si De Gracia na tumanggap ngayong araw ng kaniyang ikalawang doses ng bakuna kontra COVID-19.

“Sa mga taga Pasay po, tuloy po tayo sa operations sa Pasay City General Hospital. Minsan po talagang full capacity na but were trying our best to accomodate lahat po ng cases na dinadala sa atin and hopefully bumababa na po ang mga cases sa community. Hopefully, maramdaman din natin sa ospital. Gusto rin sana namin na bumaba na rin na mga dinadalang COVID cases sa ospital,” dagdag niya.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.