Ilang malls naglaan ng espasyo para sa mga COVID-19 vaccine drive | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang malls naglaan ng espasyo para sa mga COVID-19 vaccine drive

ABS-CBN News
Published Apr 16, 2021 11:17 PM PHT

MAYNILA - Ginawang vaccination center ang ilang mall sa iba’t ibang lungsod sa buong bansa.

Ang Ayala Malls, inilaan ang ilan sa kanilang mga mall, gaya ng isang mall sa Parañaque. Online registration ang pamamalakad dito.

Sarado rin ang air conditioner rito. Kabilang sa mga nagpabakuna ang 88 anyos na si Amparo Alejos, na sinamahan ng kaniyang anak na si Lolita.

"Puwede pa naman daw siya, sabi ng doktor, para proteksiyon na rin siguro," ani Lolita.
"Puwede pa naman daw siya, sabi ng doktor, para proteksiyon na rin siguro," ani Lolita.
ADVERTISEMENT
Ang SM Supermalls, naglaan ng 20 mall para gawing vaccination center sa buong bansa, kabilang na rito ang SM Aura, na bahagi ng Taguig City.

Magiging vaccination sites naman ang Robinsons Malls sa Metro Manila simula Mayo 1.

Sa pribadong sektor gaya ng mga manggagawa ng Ayala group, hinahanda na ang mega vaccination sites sa 20 malls, schools, at hospitals sa buong bansa.

"Nagma-masterlisting na po kami so nagre-register na employees for themselves and family. Ang prioritization po natin, sir, naka-align sa government prioritization so sumusunod kami sa A1, A2, A3, A4, A5," ani Dr. Rizzy Alejandro, chief public health officer ng AC Health.

Ayon sa datos ng gobyerno, nasa 1,255,716 na ang bilang ng mga nababakunahan sa Pilipinas magmula noong umarangkada ang vaccination drive ng bansa noong Marso 1.

Target ng gobyerno na bakunahan ang nasa 70 milyon ng populasyon para makamit ang herd immunity.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
vaccine
COVID-19 vaccine
coronavirus disease
vaccination sites
COVID-19 vaccine Philippines
COVID-19 vaccination Philippines
mall
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT