Free shuttle para sa healthcare workers, plano para sa mga lugar sa labas ng NCR | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Free shuttle para sa healthcare workers, plano para sa mga lugar sa labas ng NCR

ABS-CBN News
Published Apr 16, 2021 01:00 AM PHT

MAYNILA - Inihayag ni Transportation Sec. Arthur Tugade nitong Huwebes na habang nagpapatuloy pa rin ang COVID-19 pandemic, palalawakin nila free shuttle services na ibinibigay sa health workers.

Sa ngayon kasi, sa National Capital Region lang ang operasyon nito. Magmula nang mailunsad ang free shuttle nitong pandemya, nasa 2.2 million na healthcare workers ang napakinabangan ito, ani Tugade.

“Hangarin naming na itong free ride na di lamang malimit sa NCR. Pararatigin ko po hangang sa probinsya at rehiyon nang sa gayon ay maka-benefit sila sa tinatawag na free shuttle," aniya.

Pinadadami rin umano ng DOTR ang mga ruta at prangkisang ibinibigay sa provincial buses para makatulong din sa ibang mga authorized persons outside residence (APOR).

ADVERTISEMENT
Samantala, inanunsiyo din ni Tugade na matatapos ang construction ng Clark International Airport sa kalagitnaan ng taon, pati na rin ang Bicol International Airport na inaasahang magiging operational bago matapos ang 2021.--Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

MULA SA ARKIBO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT