Nagbigay-tulong ang isang pamilya sa Hawaii para sa kanilang kabarangay sa Bacsil South sa Laoag City, Ilocos Norte. Larawan mula kay Aeva Vhennise Batoon
Nasa 130 pamilya sa isang barangay sa Laoag City, Ilocos Norte, karamihan sa kanila ay indigent at frontliner, ang nabiyayaan nitong Miyerkoles sa ipinadalang tulong ng isang pamilyang Pinoy mula sa Hawaii.
Mula sa ipinadalang pera ng pamilyang Banato, nakabili ang kamag-anak nito sa Laoag City ng mga karne ng baboy at manok na ipinamigay sa mga taga-Barangay Bacsil South ng lungsod.
Ang pamamahagi ay naganap habang nasa enhanced community quarantine ang buong Luzon dahil sa COVID-19 pandemic.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Hawaii, COVID-19, coronavirus, Laoag City, Tagalog news, Regional news, good deeds