PSG: Mga lalapit kay Duterte sumasailalim muna sa COVID-19 rapid test | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PSG: Mga lalapit kay Duterte sumasailalim muna sa COVID-19 rapid test

Joyce Balancio,
ABS-CBN News
Published Apr 16, 2020 01:12 AM PHT
|
Updated Apr 16, 2020 02:19 AM PHT

MAYNILA - Mas naghigpit pa ang Presidential Security Group (PSG) sa mga ipinatutupad nitong hakbang para matiyak na hindi mahahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi ni PSG Commander Col. Jesus Durante, minamandato na nila sa lahat ng lalapit sa Pangulo na sumailalim muna sa rapid test.

Gagawin ito ng PSG Task Force COVID medical team at iba ito sa polymerase chain reaction o RT-PCR test kits na ginagawa ng RITM.

Ang rapid test ay dagdag sa kasalukuyang medical assessment at measures na ipinatutupad ng PSG para protektahan ang Pangulo.

ADVERTISEMENT
Sabi ni Durante, parang pregnancy test ito kung saan matapos kuhanan ng dugo ay 15 minutes lang malalaman na ang resulta.

Ang mga mapapatunayang positibo ay hindi papayagang makapasok sa lugar kung nasaan ang Pangulo, lalo na kung nakitaan sila ng sintomas gaya ng lagnat.

Aabisuhan din ito ng medical personnel ng PSG na mag-self quarantine.

Walang exempted aniya dito at maging ang high-ranking government officials, PSG troopers at close-in personnel na laging kasama ng Pangulo ay sumasailalim dito.

Pero paglilinaw naman ni Durante, hindi nila itinuturing na definite at absolute na ang resulta ng rapid test gayong antibodies at hindi ang mismong virus ang nababasa ng pagsusuri.

Subject for confirmation pa rin aniya sa RT-PCR test ng RITM kung talagang positibo sa COVID- 19 ang isang bisita.

Gayunman, minabuti na rin ng PSG na gumamit ng ganito bilang dagdag proteksiyon na rin sa Pangulo.

Tatlong linggo na aniya nila ginagawa ang prosesong ito sa Malacañang.

Read More:
Rodrigo Duterte
PSG
Presidential Security Group
health
virus
coronavirus
2019 Novel Coronavirus
2019-nCoV
2019 Novel Coronavirus acute respiratory disease
2019-nCoV ARD
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT