Pagsusuot ng face masks sa Pampanga, isinusulong na gawing mandatory | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagsusuot ng face masks sa Pampanga, isinusulong na gawing mandatory

Pagsusuot ng face masks sa Pampanga, isinusulong na gawing mandatory

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 16, 2020 08:51 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nakatakdang maglabas ng isang executive order ang pamahalaang panlalawigan ng Pampanga na nag-uutos sa mga residente na magsuot ng facemask sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay Pampanga board member Jun Canlas, may maximum na multa na P25,000 o pagkabilanggo mula 6 buwan hanggang 1 taon para sa mga lalabag.

"Sa oras na ito, kailangan nating maging mahigpit. Hindi naman kasi simpleng sitwasyon ito. Ito ay isang krisis. Hindi mo lamang inilalagay ang iyong sarili sa peligro ng virus ngunit napanganib mo rin ang buhay ng ibang tao," ani Canlas.

Hinikayat ni Canlas ang mga residente na mag-improvise ng face mask o facial gear lalo't pahirapan ang supply nito sa merkado.

ADVERTISEMENT

Sa kabila ng ipatupad ng enhanced community quarantine sa Luzon at lockdown sa Pampanga, tumataas pa rin ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa probinsya kung saan pumalo na sa 37 ang kumpirmadong kaso nitong Miyerkoles.

Sa kabila ng mahigpit na implementasyon ng mga enhanced community quarantine protocols, marami pa rin umano ang lumalabag rito.

Ayon kay Police Col. Jean Fajardo, provincial director ng Pampanga police provincial office, nakapagtala mula Marso 16 hanggang Abril 13, ng 4,643 kataong sinita at dinala sa mga holding areas dahil sa paglabag sa curfew, liquor ban at pag-iwas sa mga control points.

Nasa 358 mga indibidwal naman ang naaresto at nasampahan na ng kaso.

“Sa mga ordinaryong mamamayan po dito sa Pampanga ay nakikiusap po kame na sana tumugon po kayo sa panawagan ng ating gobyerno,” ani Fajardo. -- Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.