Mindanao, magiging maulan dahil sa low pressure area | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mindanao, magiging maulan dahil sa low pressure area

ABS-CBN News
Published Apr 16, 2018 07:21 AM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
MANILA - Makakaranas ng mga pag-ulan ang Mindanao dahil sa isang papalapit na low pressure area ngayong Lunes, ilang araw matapos ideklara ng mga awtoridad ang pagsisimula ng tag-init, sinabi ng state weather bureau PAGASA.

Dakong alas-3 ng umaga, namataan ang sama ng panahon 1,540 kilometro silangan ng Mindanao, inanunsyo ni PAGASA meteorologist Meno Mendoza sa Facebook.

Una nang sinabi ng PAGASA na inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility ang LPA ngayong Lunes o Martes.

Mababa anila ang posibilidad na maging bagyo ang mga LPA na nabubuo tuwing tag-init.
Mababa anila ang posibilidad na maging bagyo ang mga LPA na nabubuo tuwing tag-init.
ADVERTISEMENT
Samantala, inaasahan sa nalalabing bahagi ng bansa ang mainit at maalinsangang panahon maliban sa isolated thunderstorms sa hapon o gabi dahil naman sa easterlies o hangin mula sa Pasipiko, ani Mendoza.

Maglalaro aniya sa 24 hanggang 37 degrees Celsius ang temperatura sa Tuguegarao City; 15 hanggang 26 °C sa Baguio; at 24 hanggang 34 °C sa Metro Manila.

Para sa iba pang ulat-panahon, bisitahin ang ABS-CBN Weather Center.