An aerial view shows destroyed houses on a collapsed mountain side along the coastline in the village of Pilar, Abuyog town, Leyte province on April 14, 2022 day after a landslide struck the village due to heavy rains at the height of Tropical Storm Agaton (international name Megi). Bobbie Alota, AFP
LEYTE — Kabilang sa mga natabunan ng gumuhong bundok sa Barangay Pilar sa bayan ng Abuyog, Leyte ang kapitan ng barangay na si Adelaida Rosquites.
Hanggang ngayon, hindi pa rin mahanap ang katawan ng kapitana.
Nakaligtas ang kaniyang pamilya pero ang kaniyang mister na si Jesus ay naka-wheelchair muna dahil sa mga tinamong sugat.
Kuwento ni Jesus, huli silang nagkita nang magkape ang kapitana Martes ng umaga, bago maganap ang trahedya ng hapon.
Hindi umano sila lumikas dahil hindi nila inaasahang guguho ang bundok, na nagdulot pa nang mala-tsunaming alon nang bumagsak sa dagat ang lupa mula sa bundok.
"Ang nakakatakot lang dun sa lugar namin 'yung amihan, malaking alon," aniya.
"Karamihan talaga diyan stay lang sa bahay. Dun na nag-panic nung... tumunog na nga parang helicopter, tapos tumaas 'yung putik."
Ngayon hindi alam ni Jesus ang gagawin matapos mamatay ang ilaw ng kanilang tahanan at ng kanilang barangay.
"Ayaw ko na dun kasi delikado na," aniya.
Ayon kay Abuyog Mayor Lemuel Traya, higit 100 pa ang missing sa Barangay Pilar.
Sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa 137 ang naiulat na nasawi dahil sa Bagyong Agaton.
Nasa 28 naman ang naiulat na missing habang 8 ang sugatan.
Nanalasa ang bagyo nitong linggo at nagdulot ng landslide at pagbaha sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
— Ulat ni Sharon Evite
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Regional news, Regions, Tagalog news, Barangay Pilar, Abuyog, Leyte, kapitana, barangay chairman, kapitan, village chief, #AgatonPH, Agaton, Tropical Storm Agaton, Bagyong Agaton, bagyo, deaths, fatalities, casualties, death toll