Pulis tinitingnan anggulong pulitika, droga sa pagpatay sa SK president sa Laguna | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis tinitingnan anggulong pulitika, droga sa pagpatay sa SK president sa Laguna

Pulis tinitingnan anggulong pulitika, droga sa pagpatay sa SK president sa Laguna

ABS-CBN News

Clipboard

Hustisya ang panawagan ng mga kasamahan ng pinatay na Sangguniang Kabataan President na si Renzo Matienzo ng Lumban, Laguna. Larawan mula sa Sangguniang Kabataan ng Siniloan, Laguna

LUMBAN, Laguna - Dalawang posibleng anggulo ang tinitingnan ngayon ng awtoridad sa pagpatay sa 26 anyos na Sangguniang Kabataan President ng naturang bayan noong Martes ng hapon.

“May balita po kasing tatakbong konsehal ng bayan, tapos tinitingnan ko rin po kung ito ba’y may kagalit. Dahil ito naman po ay Lumban, kasi nga po ang Lumban ay kilala sa bayan na sabi nila na ano po daw sa droga mga involvement sa droga, kaya hindi rin po nawala sa akin tingnan din po 'yung bersyon na ganun,” pahayag ni Police Capt. Jose Marie Peña, chief of police ng Lumban Municipal Police Station.

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Peña na dalawang salarin ang pumasok sa loob ng bahay ng biktimang si Renzo Matienzo sa Barangay Maytalang 1, habang dalawang iba pa ang naghintay lamang sa labas. Ang impormasyon ay base na rin aniya sa testimonya ng mga nakasaksi sa krimen.

Matapos ang krimen, agad na tumakas ang grupo ng mga salarin.

ADVERTISEMENT

Pinag-aaralan pa ng awtoridad ang mga kuha ng CCTV sa lugar para malaman kung saan dumaan at kung may mapagkakakilanlan sa mga suspek.

Aminado naman silang limitado pa rin ang impormasyong mayroon sa ngayon.

“Ngayon po kinukuha namin lahat po ng pwede naming gamitin para po sa aming imbestigasyon para malaman po natin kung sino po talaga ang gumawa at mapanagot po natin kung sino po iyun,” dagdag ni Peña.

Kinondena ng Sangguniang Kabataan ng Siniloan, Laguna ang pagpatay kay Matienzo.

Sa kanilang social media post, nakiramay sila at humingi ng hustisya para sa napatay na SK President.

“Kasabay ng ating pakikiramay ay ang ating mariing pagkondena sa pagpatay kay SK Eseng. Nananawagan din ang Pederasyon ng hustisya para kay SK Eseng sa karumaldumal na pangyayaring ito at sa lahat ng mga naging biktima ng extra judicial killings,” sabi nila.

Humihingi naman ng tulong ang Lumban Police sa publiko na i-report sa kanilang himpilan sakaling may impormasyon na makatutulong sa kaso.

- Ulat ni Andrew Bernardo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.