PatrolPH

P10.6-M halaga ng sigarilyo tinangkang ipuslit sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2021 10:23 PM

P10.6-M halaga ng sigarilyo tinangkang ipuslit sa Zamboanga City 1
Ayon sa ulat, galing sa probinsya ng Sulu ang kontrabando at isinakay sa bangka para ipuslit sa Zamboanga City. Courtesy of Bureau of Customs-Zamboanga

ZAMBOANGA CITY — Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) kasama ang iba pang mga ahensya ang 300 kahon ng umano'y smuggled na sigarilyo sa Barangay Sinunuc sa lungsod na ito ngayong Huwebes.

Ayon sa ulat, galing sa probinsya ng Sulu ang kontrabando at isinakay sa bangka para ipuslit sa lungsod na ito.

Sa taya ng BOC, aabot sa P10.6 milyon ang halaga ng sigarilyo.

Nasa kustodiya na ng BOC ang kontrabando habang iniimbestigahan ang pagkakakilanlan ng may-ari nito.

Nitong linggo lamang, nasa P50 milyong halaga ng nasabat na sigarilyo ang sinira ng BOC para masigurong hindi na kakalat pa sa merkado ang mga ito.

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more on iWantTFC

—Ulat ni Leizel Lacastesantos

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.