Online graduation isinusulong ng CHED | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Online graduation isinusulong ng CHED

Online graduation isinusulong ng CHED

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 21, 2020 07:25 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE) - Hinikayat ng tagapamuno ng Commission on Higher Education (Ched) ang mga kolehiyo at unibersidad na maging "imaginative" o malikhain sa pagdaraos ng mga graduation sa gitna ng kinahaharap na krisis sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Ched Chairperson Prospero De Vera, puwede nang ipadala ang diploma ng mga graduating student sa mga susunod na buwan.

Puwede ring magsagawa ng online graduation o magdaos ng graduation ceremony kapag kontrolado na ang situwasyon sa COVID-19, ayon kay De Vera.

"They can send their diplomas already or give the diplomas to their graduating students now or within the next one or 2 months, and do a ceremonial graduation later in the future," ani De Vera.

ADVERTISEMENT

Ayon naman kay Education Undersecretary Annalyn Sevilla, nasa pagpapasya ng paaralan at mga magulang kung ipagpapaliban muna ang graduation ceremony o tuluyan nang huwag magsagawa nito.

Hindi rin daw pipigilan ng Department of Education ang mga paaralan kung kayang mag-online graduation basta hindi nilalabag ang patakaran sa home quarantine, ani Sevilla.

(BOLD) ILANG PAARALAN NAITAWID ANG GRADUATION

May ilang paaralan sa iba-ibang panig ng bansa ang nagawa pa ring magkaroon ng graduation sa kabila ng mga umiiral na lockdown, na ipinatupad para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa Basilan, dinala ng mga guro ng Begang National High School ang graduation sa bahay ng mga estudyante.

Naranasan ng mga estudyanteng magsuot ng toga, masabitan ng medalya ng kanilang mga magulang, makakuha ng diploma, at makatanggap na relief goods.

Online graduation naman ang isinagawa ng Shining Light Academy sa Sanchez Mira, Cagayan.

Hamon lang sa pagsasagawa ng online graduation ang internet connection, ayon kay Joseph Samuel ng Shining Light Academy.

Sa Luzon, nakatakdang matapos ang enhanced community quarantine sa katapusan ng Abril. -- May ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.