Drayber ng habal-habal, patay nang saksakin ng 2 pasahero | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Drayber ng habal-habal, patay nang saksakin ng 2 pasahero

Chrislen Bulosan,
ABS-CBN News
Published Apr 15, 2018 06:11 PM PHT

DAVAO CITY -- Patay ang isang habal-habal driver matapos pagsasaksakin ng kanyang dalawang sakay na pasahero sa Vicente Subdivision, Buhangin, Davao City madaling araw ng Linggo.

Nakilala ang biktima na si Edgar Bernal, residente ng Barangay Solaiman, Agdao, Davao City.

Naaktuhan mismo ng saksi ang ginawang pananaksak kay Bernal ng hindi pa nakikilalang mga responsable sa krimen.

Ayon sa saksi, sinaksak umano ang biktima pagkahandusay nito sa kalsada. Nagawa pa nitong sumigaw at humingi ng tulong.

Agad ring tumakas ang mga salarin.
Agad ring tumakas ang mga salarin.
Agad na isinugod sa Southern Philippines Medical Center ang duguan at nag-aagaw buhay na biktima. Pero idineklarang dead on arrival sa ospital.

Narekober sa biktima ang mga personal na gamit nito, kabilang ang wallet na puno pa ng pera.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.