Pekeng comorbidity: Ilang pumila sa COVID-19 shots sa Pateros nagdeklarang may sakit | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pekeng comorbidity: Ilang pumila sa COVID-19 shots sa Pateros nagdeklarang may sakit

Pekeng comorbidity: Ilang pumila sa COVID-19 shots sa Pateros nagdeklarang may sakit

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 14, 2021 07:50 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagkalituhan ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa Pateros nang mauna sa pila ang ilang residenteng nagdeklara umanong may comorbidity o sakit kahit wala naman.

Ayon kay Pateros Mayor Ike Ponce, nalalaman ng health care worker pagdating sa vaccination site na wala palang sakit ang ilang sumagot sa registration form para sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Hindi raw klaro kung sinadya ba ang paglalagay ng sakit o nagkakamali lang.

Pero ayon kay Ponce, nagdulot ito ng kalituhan dahil nai-schedule ang mga walang sakit.

ADVERTISEMENT

Nagpaalala ang lokal na pamahalaan na kung nabigyan ang isang tao ng schedule pero wala namang comorbidity ay huwag nang pumunta sa vaccination site.

Isulat din anila ang totoong impormasyon sa registration form para maibigay ang bakuna sa mga nasa priority list.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa ngayon, tanging health care workers, senior citizens at may comorbidity ang prayoridad na maturukan ng COVID-19 vaccines.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.